HMPV hindi bagong sakit o virus, ayon sa DOH

PHOTO: DOH head office with DOH logo superimposed FOR STORY: HMPV hindi bagong sakit o virus, ayon sa DOH
—INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Nilinaw ng Department of Health na hindi bagong sakit o bagong virus ang human metapneumovirus (HMPV) na kabilang sa  dumadaming kaso ngayon.

Kahapong Martes, sa inilabas na Disease Outbreak News ng World Health Organization (WHO), kabilang sa mga dumdaming kaso ang HPMV, gayundin ang Respiratory Syncytial Virus (RSV) na kapwa itinuturing na acute respiratory infections.

Base pa rin sa naturang ulat ng DOH, ayon sa DOH, karaniwang dumadami ang mgha tinatamaan ng naturang sakit tuwing panahon ng sobrang lamig sa China at iba pang bansa sa Northern Hemisphere.

BASAHIN: Bagong kaso ng mpox sa Pilipinas naitala ng DOH

Ang gobyerno ng China iniulat na rin sa WHO na kayang-kaya pa ng kanilang sistemang pangkalusugan ang mga kaso ng HPMV sa kanilang bansa.

Ibinahagi na rin ng DOH na ang HMPV ay nadiskubre ng Dutch researchers noong 2001 base sa samples mula sa mga bata na tinamaan ng respiratory infections.

Read more...