METRO MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagdami ng mga Filipino na nagka-trabaho noong nakaraang buwan ng Nobyembre.
Sinabi ni national statistician Dennis Mapa na, base sa Labor Force Survey, nakapagtala ng 96.8% employment rate noong Nobyembre mula sa 96.4% noong Nobyembre 2023.
Kasabay nito, bumaba sa 3.2% ang unemployment rate noong Nobyembre kumpara sa naitalang 96.4% noong Nobyembre 2023.
BASAHIN: Lower unemployment rate senyales ng pagbuti ng Ph job market -DOF chief
Ipinaliwanag ni Mapa bana noong nakaraang Nobyembre may 1.66 milyong Filipino ang walang trabaho mula sa 1.83. milyon noong Nobyembre 2023.
Aniya dumami ang bagong pasok sa manufacturing, accommodation and food service at human health and social work.
Bumaba din aniya ang underemployment rate base sa pinakahuling LFS noong Nobyembre, sa 10.8% mula sa 11.7%.