Oras ng trabaho sa Senado inigsian kasabay ng Traslacion
METRO MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang maigsing oras ng trabaho nitong Huwebes, ika-9 ng Enero.
Sa abiso mula sa opisina ni Senate Secretary Renato Bantug, hanggang 2 p.m. lamang ang oras ng trabaho sa Senado bukas.
Ang hakbang ay bunga ng inaasahang traffic rerouting dahil sa pagsasara ng ilang lansangan kasabay ng Traslacion.
Papayagan naman na ituloy ang committee at technical working group (TWG) meetings.
BASAHIN: Higit 6.5 milyon deboto inaasahan sa Traslacion ng Nazareno
Bukas ng 10 a.m. ay may pagdinig ang ways and means committee na pinamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian ukol sa smuggling ng excisable products.
Walang pagbabago sa oras ng trabaho ng mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms at Maintenance and General Services Bureau.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.