Bonuses ng mga opisyales ng SSS dapat isapubliko – Pimentel
METRO MANILA, Philippines — Idinagdag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang kanyang boses sa mga unang nagpahayag ng pagkondena sa pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro ng Social Security System (SSS).
Ikinatuwiran ni Pimentel hindi naman magreresulta karagdagang mga benepisyo ang pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro.
Dapat din aniya ipaliwanag at linawin ng SSS kung saan inilalaan ang pondo ng kanilang mga miyembro.
BASAHIN: Kontribusyon ng miyembro sa SSS tumaas
Isa pa din dapat sa isapubliko ay ang halaga ng bonuses na ibinibigay ng SSS sa kanilang mga opisyal.
Sinabi pa ni Pimentel na dapat ay bigyan ng karapatan ang mga miyembro na kuwestiyonin ang performance ng board members ng SSS.
Bukod dito, hayaan ang mga miyembro na i-audit ang mga pinaggagamitan ng kanilang pondo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.