Suplay ng kamatis kinapos kayat mataas ang presyo – DA

By Jan Escosio January 07, 2025 - 11:14 AM

PHOTO: Tomatoes closeup FOR STORY: Suplay ng kamatis kinapos kayat mataas ang presyo - DA
File photo mula sa Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Bunga ng pananalasa ng sunod-sunod na bagyo noong nakaraang taon, halos kalahati ang nabawas sa suplay ng kamatis.

Ito ang ibinahagi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa at aniya 45 porsiyento ng suplay ng kamatis ang napinsala ng mga nagdaang kalamidad.

Idinagdag pa niya na ito ang dahilan kayat tumaas ang presyo ng kamatis noong Kapaskuhan na umabot hanggang P300 ang bawat kilo.

BASAHIN: DA nakatutok sa presyo ng mga gulay dahil sa bagyo

May mga social media post na umabot hanggang P400 ang presyo ng kada kilo ng kamatis ilang bago ang araw ng Pasko hanggang sa pagpapalit ng taon.

Ayon sa opisyal, magsisimula ngayon buwan ang produksyon kayat posible na bumalik na sa normal ang presyo ng kamatis sa huling araw ng Enero o unang linggo ng Pebrero.

TAGS: tomato prices, typhoon damage, tomato prices, typhoon damage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.