Pagdeklara sa Quiapo na cultural heritage zone ilalapit ni Lapid
METRO MANILA, Philippines — Sa pagbabalik sesyon ng Senado ngayong araw ng Lunes, sinabi ni Sen. Lito Lapid na ipapakisuyo niya sa kanyang mga kapwa senador na ipasa na ang panukalang maideklarang national cultural heritage zone ang Quiapo sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Lapid, inihain niya sa Senate Bill No. 1471 na malaki ang bahagi ng Quiapo sa kasaysayan, tradisyon, sining, kultura, at relihiyon maging sa ekonomiya ng bansa.
Idinagdag niya na bago pa man dumating sa bansa ang mga Kastila, Amerikano, at Hapon, sentro na ng kalakalan ang Quiapo.
BASAHIN: Lapid: Permanent evacuation centers malaking tulong tuwing may kalamidad
“Dahil kinikilala natin ang kahalagahan ng Quiapo sa ating kultura at kasaysayan at hindi matatawarang ambag sa pambansang kaunlaran dapat lamang ipakita ng pamahalaan ang kanyang pagpapahalaga sa pamamagitan nang pagtatakda sa Quiapo bilang Historical, Cultural & Heritage Zone,” sabi pa ng senador, na ng namumuno sa Senate Tourism Committee
Layunin aniya ng kanyang panukalang batas na pasiglahin ng husto ang Quiapo bilang sentro ng komersiyo ng lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.