Magtanim ng mga puno laban sa maruming hangin – Legarda
METRO MANILA, Philippines — Hinikayat ni Sen. Loren Legarda nitong Huwebes na magtanim ng maraming puno ang mga Filipino ngayong 2025.
Kaugnay ito sa napa-ulat na “unhealthy to very unhealthy” na kalidad ng hangin sa maraming lungsod sa Metro Manila noong ika-1 ng Enero.
Ito ay bunga ng mga ginamit na paputok at pailaw sa pagsalubong sa bagong taon simula Martes ng gabi.
BASAHIN: Kalidad ng hangin sa bansa bumuti na ayon sa DENR
Paalala ni Legarda na magandang pangontra sa carbon ang mga puno.
Kasabay nito, hinikayat ni Legarda ang mga kinauukulang ahensya na maghigpit sa mga sasakyan na nagbubuga ng sobra at maitim na usok.
Kung maaari din aniya ay sukatin ang usok na mula sa mga paputok at pailaw na kadalasang ginagamit sa Kapaskuhan.
Babala niya delikado sa kalusugan ang sobrang polusyon sa hangin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.