Pinsala sa agrikultura dahil sa pagputok ng Mt. Kanlaon nasa P33.5M
METRO MANILA, Philippines —Umabot na sa P33.5 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa Western Visayas dahil sa pagputok ng Mt. Kanlaon sa Negros, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Kabuuang 298 ektarya ang napinsala dahil sa pagputok ng bulkan.
Base sa impormasyon mula sa NDRRMC, may pag-asa na maisalba ang mga tanim sa mahigit 263 ektarya, ngunit hindi na maisasalba ang mga tanim sa 35 ektarya.
BASAHIN: Lahar warning sa Mayon at Kanlaon dahil sa Querubin
Apektado ang 830 na magsasaka at mangingisda.
Samantala, 12,043 pamilya na binubuo ng 46,259 katao sa 26 barangay sa Western Visayas at Central Visayas ang apektado.
Sa naturang bilang, 14,441 indibidwal ang nananatili sa 34 evacuation centers at may 6,977 katao ang patuloy na tumatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.