Sen. Leila De Lima, paiimbestigahan ng SolGen

By Ruel Perez July 11, 2016 - 01:09 PM

Leila de limaNakahanap ng kakampi ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa mga batikos na ipinupukol sa kanila sa isinasagawang mga anti-illegal drugs operations na kadalasan ay nagreresulta sa sa pagkasawi ng mga suspek.

Sa flag-raising ceremony sa Camp Crame, Lunes ng umaga, iginiit ni Solicitor General Jose Calida na ipagtatanggol nila ang mga PNP personnel na umano’y makakaranas ng harassment sa pamamagitan ng mga isasampang kaso dahil sa pagtupad nila sa tungkulin.

Maliban dito, pinayapa din ni Calida ang mga pulis at sinabihang ‘wag matatakot sa anumang senate o congressional inquiry dahil nakahanda ang Office of the Solicitor General na sila ay idepensa.

Payo pa ni Calida sa mga PNP personnel, huwag dumalo sa anumang inquiry ng senado at mababang kapulungan kung hindi rin lang naman ito in-aid of legislation.

Samantala, nagbanta naman si Calida kay Senator Leila de Lima na paiimbestigahan ito dahil noong panahon ng kaniyang panunungkulan bilang justice secretary ay naging talamak umano ang ilegal na droga lalo sa bilibid.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.