DOH: Bilang ng heart attack, stroke at asthma cases pumalo sa 128

By Jan Escosio December 31, 2024 - 11:34 AM

DOH nagbabala sa pagdami ng heart attack, stroke at asthma cases
Inquirer.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Sa nakalipas na pitong araw, pumalo sa 128 ang bilang ng mga inatake sa puso, na-stroke, at sinumpong ng hika.

Ito ang ibinahagi ng Department of Health (DOH) base sa mga nakalap na impormasyon mula Disyembre 23 hanggang alas sais ng umaga kahapon, Disyembre 30, sa walong “sentinel hospitals” sa bansa.

Sa bilang, 62, na nasa edad 55 hanggang 74, ang napaulat na nakaranas ng acute coronary syndrome at isa sa kanila ang namatay dahil sa atake sa puso.

BASAHIN: DOH: 496 nasugatan sa mga aksidente sa mga kalsada nitong Kapaskuhan

Nakapagtala naman ng 103 na kaso ng acute stroke na nagresulta sa pagkasawi ng dalawa na nasa pagitan ng 45 hanggang 64 ang edad.

Sa sinundan na isang linggo, nakapagtala ng isang dosenang kaso ng acute stroke ang DOH.

Samantala, mga sanggol hanggang edad siyam naman ang nakaranas ng bronchial asthma sa nakalipas na isang linggo at ito ay pinaniniwalaang dahil sa usok mula sa mga paputok.

Nagpayo si Health Secretarty Ted Herbosa sa publiko na pangalagaan ng husto ang kanilang puso at baga sa pamamagitan ng regular na ehersisyo, paglimita sa pag-inom ng mga nakalalasing na inumin, at pag-iwas sa mga matatamis, mamantika at maalat na mga pagkain.

TAGS: doh, heart attack, stroke, doh, heart attack, stroke

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.