Pimentel: Tuloy ang pagdinig sa Duterte drug war sa 2025

By Jan Escosio December 31, 2024 - 11:50 AM

Pimentel: Tuloy ang pagdinig sa Duterte drug war sa 2025
Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng Senado noong ika-28 ng Oktubre, tunkgol sa drug war.—Kuha ni Grig C. Montegrande | Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Magsasagawa pa ng mga pagdinig ang Senate Blue Ribbon subcommittee sa madugong kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte, ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III.

Pagbabahagi pa ni Pimentel, nabigyan na rin ng kapangyarihan ang pinamumunuan niyang subcommittee na mag-cite for contempt ng resource person kung kakailanganin.

Aniya sa mga naunang pagdinig, tali ang kanilang mga kamay sa mga resource person na alam nilang hindi nagsasabi ng totoo o buong katotohanan.

BASAHIN: Ex-President Duterte handang panagutan ang drug war

Sinabi pa ng senador na maaaring sa Enero ay magpatawag na siya muli ng pagdinig.

Pagtitiyak din ni Pimentel na isa sa kanilang bubusisiin ang “cash reward system” sa hanay ng pulisya na nagsasagawa ng anti-drugs operation.

TAGS: Aquilino "Koko" Pimentel III, drug war, Rodrigo Duterte, Aquilino "Koko" Pimentel III, drug war, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.