Ilang lugar sa bansa uulanin ngayong bisperas ng 2025

By Jan Escosio December 31, 2024 - 10:05 AM

Ilang lugar sa bansa uulanin ngayong bisperas ng 2025
INQUIRER.net file photo

Katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang mararanasan ngayon bisperas ng bagong taon sa ilang lalawigan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Base sa inilabas na Weather Advisory No. 58 kaninang alas singko ng umaga, ang mga pag-ulan ay epekto ng shear line at intertropical convergence zone.

Ayon sa Pagasa, posibleng makaranas ng malakas na pag-ulan sa Cagayan, Apayao, Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Palawan, Sorsogon, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Zamboanga del Norte, Negros Oriental, Siquijor, at Dinagat Islands.

Bukas patuloy na magiging maulan sa Eastern Samar, Dinagat Islands, at Surigao del Norte.

Babala pa ng Pagasa, maaaring magdulot ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa ang mga pag-ulan.

Magiging maulap naman sa Metro Manila na may kalat-kalat na pag-ulan.

Posibleng maging makulimlim naman na may pag-ulan sa natitirang mga bahagi ng bansa.

TAGS: 2025, uulanin, 2025, uulanin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.