Sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 12:40 ng tanghali, orange warning level ang nakataas sa Metro Manila at dalawang lalawigan na nangangahulugan na nakararanas na ng matinding pag-ulan sa nasabing mga lugar sa nakalipas na isang oras na tatagal pa sa susunod na dalawang oras.
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente lalo na ang mga nakatira sa low lying areas na maging alerto sa pagbaha.
Yellow waring naman ang nakataas sa Zambales, Pampanga, Laguna, Rizal at Bulacan.
Ayon sa PAGASA ang nasabing mga lalawigan ay nakararanas ng malakas na buhos ng ulan sa nakalipas na isang oras at tatagal sa susunod na dalawang oras.
Pinapayuhan ang mga residente na imonitor ang sitwasyon dahil may posibilidad ng pagbaha sa mga mabababang lugar.
Samantala, sa susunod na tatlong oras, makararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ang Batangas at Quezon, habang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Tarlac at NuevaEcija.