Hontiveros: Ilang BI officials tinangkang piyansahan si Tony Yang
Ibinunyag ni Senador Risa Hontiveros na ilang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang nagtangkang piyansahan si Tony Yang na iniuugnay sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (Pogos).
Ayon sa mambabatas, base ito sa mga natanggap niyang impormasyon.
Giit din ng senador, dapat manatili sa kulungan si Yang, ang nakatatandang kapatid ni dating presidential economic adviser Michael Yang, sa paniniwalang matibay ang mga ebidensiya laban sa negosyante.
Dagdag ni Hontiveros, maaari naman magpagamot sa ospital si Yang ngunit dapat ay manatili ito sa kustodiya ng gobyerno.
Sinabi pa niya na may warrant of arrest para kay Yang kayat hindi dapat ito makapagpiyansa at pansamantalang makalaya.
Kasabay nito, kinalampag ni Hontiveros ang Anti-Money Laundering Council upang madaliin ang pag-iimbestiga sa sinasabing pagkakasangkot ni Yang sa money laundering.
Itinuro si Yang na nasa likod ng ilegal na operasyon ng Pogos sa Cagayan de Oro City at Misamis Oriental.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.