Senate Blue Ribbon Committee tinapos ang 3 mahahalagang pagdinig

Senate Blue Ribbon Committee tinapos ang 3 mahahalagang pagdinig
Senate Blue Ribbon Committee chairperson Pia Cayetano

Sa pagtatapos ng taon, nakapagsagawa ang Senate Blue Ribbon Committee ng tatlong mahahalagang pagdinig na may kaugnayan sa pambansang seguridad, kalusugan, at palakasan o isports.

Ito ang ipinagmalaki ni committee chairperson Sen. Pia Cayetano.

Una niyang binanggit ang pag-iimbestiga sa pinaniniwalaang kapalpakan ng delegasyon ng Pilipinas sa 10th WHO Framework Convention on Tobacco Control.

Aniya dahil sa kabiguan ng delegasyon na ipagtanggol ang interes sa kalusugan ng mga Filipino at sinasabing pagpabor sa industriya ng tabako, muling ibinigay sa Pilipinas ang “Dirty Ashtray Award.”

Dalawang pagdinig naman ang isinagawa kaugnay sa pagkakaroon ng mga pekeng dokumento tulad ng birth certificates at passports ng maraming banyaga.

Sinabi ni Cayetano na mistulang pagbebenta ito ng Filipino citizenship bukod sa pagiging ugat ng pagdududa sa overseas Filipino workers.

Inimbestigahan din ng komite ang hindi pagtalima ng Philippine Sports Commission sa World Anti-Doping  Agency Code.

Bunga nito, nalagay sa alanganin ang pagkakataon ng mga atletang Filipino na lumahok sa mga pandaigdigang kompetisyon, kasama na ang Olympics.

Ayon sa senadora, ang mga ginawa ng kanyang komite ay pagpapatunay ng kanyang pangakong maayos na pamamahala.

Read more...