2025 national budget pinirmahan na ni Marcos

By Jan Escosio December 30, 2024 - 03:03 PM

PHOTO: Ferdinand Marcos Jr. FOR STORY: 2025 national budget pinirmahan na ni Marcos, P194B na-veto
President Ferdinand Marcos Jr. (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 2025 national budget sa Malacañang ngayong umaga ng Lunes.

May P194 bilyon naman sa line items ang na-veto, o tinanggihan ng punong ehekutibo, sa katuwiran na hindi ito ayon sa mga prayoridad ng kanyang administrasyon.

Sa kanyang talumpati sa Ceremonial Hall, iginiit ni Marcos na layon ng General Appropriations Act 2025 na maipagpatuloy ang pagpapalago sa ekonomiya ng bansa at mapagbuti ang buhay ng mga Filipino.

BASAHIN: Marcos pipirmahan 2025 national budget sa Disyembre 30 – Palasyo

Ibinilin din niya na tiyakin na maayos na magagasta ang pondo upang hindi kapusin at madagdagan pa ang utang ng bansa.

Sinabi rin niya na binusisi nang husto ang pondo upang matiyak na magagasta ito para sa mga programa na magiging daan sa magandang pagbabago sa buhay ng bawat Filipino.

Inamin din niya na may mga nanawagan na i-veto niya ang buong pambansang pondo ngunit aniya maaantala nito ang mga mga hangarin na mapagbuti pa ang ekonomiya ng bansa.

Nabanggit din ni Marcos na kabilang sa mga naalisan ng pondo ay ang ilang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang pagtaas ng pondo ng DPWH ay isa sa mga labis na pinuna ng mga mambabatas at ilang sektor ng lipunan.

Sinabi rin niya na ang kontrobersiyal na Ayuda sa Kapos ng Kita Program (AKAP) ay dapat na pagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), at ng National Economic and Development Authority (NEDA). Sabi ni Marcos nasa sa ganitong paraan ay mas lubos na makikinabang ang mga tunay na karapatdapat na mga benepisaryo.

Ilan sa mga saksi sa pagpirma sa batas para sa pambansang pondo sina Senate President Francis Escudero, House Speaker Martin Romualdez, Sen. Grace Poe, ilang kongresista, at ilang miyembro ng gabinete.

TAGS: 2025 budget, Ferdinand Marcos Jr., 2025 budget, Ferdinand Marcos Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.