Tone-toneladang basura ang nahakot ng mga tauhan ng Task Force Kalinisan ng Manila City Hall at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Baywalk, Roxas Boulevard sa Maynila.
WATCH: Tone-toneladang basura, nahakot sa Baywalk, Roxas Blvd | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/fITjeOyJiN
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 11, 2016
Ayon kay Che Borromeo, pinuno ng Task Force Kalinisan simula noong Huwebes, aabot na sa 17 truck ng basura ang kanilang nahakot sa Baywalk.
Mga kahoy, kawayan, sapatos, tsinelas at Styrofoam ang ilan lamang sa mga nakuha ng mga naglinis sa baybayin ng Manila Bay.
Posible ayon kay Borromeo na galing sa Cavite at Parañaque ang nasabing mga basura na dinala sa baybayin ng Maynila dahil sa malalakas na alon nitong nakalipas na mga araw.
Ang mga nasabing basura ay dinala sa pampang ng malalaking alon dulot ng pag-ulang naranasan dahil sa hanging Habagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.