5 patay sa Taiwan at China dahil sa Typhoon Nepartak

Putian, Fujian province, China | Reuters Photo
Putian, Fujian province, China | Reuters Photo

Bago tuluyang humina at maging isang Low Pressure Area (LPA) na lamang ang bagyong Butchoy na mayroong international name na Nepartak ay nakapaminsala ito ng husto sa Taiwan at China.

Sa Taiwan, tatlo ang nasawi at mahigit 100 ang nasugatan, habang dalawa ang nasawi sa China at 17 pa ang nawawala.

Nasalanta ng husto ang east coast ng China matapos makaranas ng malakas na hangin at matinding buhos ng ulan.

Nagdulot din ng landslides at maraming bahay ang nawasak sa southeastern ng Fujian province.

Sa ulat ng Associated Press mahigit 438,000 na katao ang inilikas sa Taiwan.

Marami ring lugar ang nawalan ng kuryente habang daan-daang flights at biyahe ng tren ang nakansela.

Nasa category 4 typhoon si Nepartak nang ito ay dumating sa southeastern Taiwan.

Sa China naman mahigit 422,000 ang inilikas at dinala sa mas ligtas na lugar.

 

Read more...