Partylist solon inihirit mga benepisyo sa mga bilanggong senior

By Jan Escosio December 24, 2024 - 08:35 AM

PHOTO: Rodolfo Ordanes FOR STORY: Partylist solon inihirit mga benepisyo sa mga bilanggong senior
Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes | File photo mula sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Umapila si Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ibigay din sa mga nakakulong na senior citizens ang mga angkop na benepisyo.

Ipinaliwanag ni Ordanes na walang diskriminasyon sa hanay ng mga nasa edad 60 pataas base sa mga umiiral na batas.

“Dahil hindi nakikita ang ating elderly persons deprived of liberty (PDL) kaya hindi na rin sila naiisip sa usapin ng mga programa at benepisyo para sa senior citizens,” saad ng mambabatas.

Apila niya kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na magpalabas ng direktiba na maisama ang mga matatandang bilanggo sa indigent senior’s pension, gayundin na mairehistro sila bilang miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

BASAHIN: Purchase booklet di na kailangan sa pagbili ng seniors ng gamot – DOH

Ang mga elderly PDLs naman sa mga lokal na kulungan ay kuwalipikado sa mga benepisyo at programa ng lokal na pamahalaan sa senior citizens, sabi pa ni Ordanes.

Naniniwala din ang mambabatas na kapag nagawa ito ng gobyerno, mapapadali na sa mga matatandang bilanggo na makabalik sa lipunan kapag sila ay nakalaya sa pamamagitan ng parole, pardon, executive clemency, o dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Umapila na rin si Ordanes kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ikunsidera ang kondisyon ng mga matatanda ng magulang ni Mary Jane Veloso sa pagbibigay ng executive clemency sa dating overseas Filipina worker na nahatulan ng parusang kamatayan sa Indonesia dahil sa drug trafficking.

Ayon pa sa namumuno sa House Senior Citizens Committee tuwing Kapaskuhan ay tradisyon na ng Punong Ehekutibo na magpalaya ng mga bilanggo.

TAGS: Rodolfo Ordanes, senior citizen benefits, senior prisoners, Rodolfo Ordanes, senior citizen benefits, senior prisoners

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.