METRO MANILA, Philippines — Pumirma nitong Biyernes sa isang memorandum of agreement (MOA) ang Department of Education (DepEd) at Land Registration Authority (LRA) para mapabilis ang pagpapatayo ng mga paaralan.
Sa kasunduan, ang electronic land titles ng DepED ay agad papalitan ng manual-issued titles.
Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara naaantala ang konstruksyon dahil sa kawalan ng titulo ng lupa na pagtatayuan ng mga paaralan.
BASAHIN: Marcos umaasang maibalik ang dating school calendar sa 2025
Naniniwala si Angara na sa pamamagitan ng MOA ay matutugunan na ang matagal ng isyu ng kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa.
Sa ngayon, kulang ng 159,000 na silid-aralan sa bansa para umakma sa bilang ng mga mag-aaral.
Nabanggit din ng kalihim ang pagpapaigting ng public-private partnership upang mapabilis ang pagpapatayo ng mga karagdagang paaralan sa pamamagitan ng target bidding para sa malalaking proyekto.
Sa bahagi naman ni LRA Administrator Gerardo Sirios, sinabi niya na makakatulong ang kasunduan sa pagtaguyod ng magandang kinabukasan ng mga kabataan sa pamamagitan ng edukasyon.