Dating DOH Sec. Ona, kinasuhan ng graft sa maanumalyang P392M hospital project

By Dona Dominguez-Cargullo July 11, 2016 - 10:46 AM

Enrique Ona / Inquirer File Photo
Enrique Ona / Inquirer File Photo

Nakitaan ng sapat na batayan ng Office of the Ombudsman para masampahan ng kaso si dating Department of Health (DOH) Sec. Enrique Ona kaugnay sa maanomalyang modernization program sa isang pagamutan sa region 1 na umabot sa P392 million ang halaga ng proyekto.

Kasong paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act o Republic Act No. 3019 ang isinampa laban kay Ona at dalawa pang health officials na sina Undersecretary Teodoro Herbosa at Assistant Secretary Nicolas Lutero III sa Sandiganbayan.

Maliban sa kasong graft, napatunayan ding guilty ang tatlo sa kasong grave misconduct.

Ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang agad na pagsibak sa kanila sa serbisyo at kasama sa parusa ang pagbawi sa kanilang retirement benefits at pag-disqualify sa kanila sa paghawak sa anumang pwesto sa gobyerno.

Sa imbestigasyon, noong September 2012, nagpatupad ang DOH ng modernization program sa Region 1 Medical Center (R1MC) sa halagang P392.2million.

Matapos isailalim sa bidding, ang proyekto ay nai-award sa 3rd lowest bidder na Northern Builders Inc. (NBI), habang kapwa na-disqualify ang mga kumpanyang EM Cuerpo Inc., at Specified Contractors & Development Inc. (SCDI), dahil sa kabiguang makatugon sa requirements.

Pero noong December 2013, nagsagawa ng re-bid ang DOH para sa nasabing proyekto, matapos magreklamo ang SCDI sa Office of the President.

Ayon sa Ombudsman, nang ibigay ng DOH sa kumpanyang NBI ang Notice of Award at dahil sa hindi agad naghain ng apela o protesta ang SCDI, naging pinal na ang resulta ng bidding batay sa resolusyon ng Special Bids and Awards Committee.

Bagaman may kapangyarihan umano si Ona na paimbestigahan ang reklamo ng SCDI, hindi umano nangangahulugan na maari na niyang balewalain o ipawalang bisa ang resolusyon ng SBAC.

Ayon kay Morales, kumbinsido siyang nagsabwatan sina Ona, Lutero at Herbosa para paburan ang SCDI.

 

 

TAGS: Ombudsman sues former DOH Secretary Ona for bid anomaly in P392M hospital project, Ombudsman sues former DOH Secretary Ona for bid anomaly in P392M hospital project

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.