P284 billion na budget sa 2025 aprub sa PhilHealth directors
METRO MANILA, Philippines —Inabprubahan ng Board of Directors ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang kanilang P284 billion corporate operating budget (COB) sa susunod na taon, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa kabila ng “zero subsidy” mula sa gobyerno ang naturang halaga ay mataas pa ng 10 porsiyento sa COB ng PhilHealth ngayon taon na P259 billion.
Kasabay nito, inaprubahan din ng mga director ng ahensiya ang 50 porsiyentong pagtaas sa ilang mga benepisyo ng mga miyembro tulad ng sa emergency care benefit, glasses and optometric services para sa mga bata, open heart surgery, at sa pediatric cataract extractions.
BASAHIN: Escudero: Pagbawi sa PhilHealth subsidy wala dapat epekto sa serbisyo
Nabatid ng Radyo Inquirer na ang PhilHealth hanggang noong Oktubre 31 ay may sobrang pondo na P150 bilyon.
Inamin ni Health Secretary Ted Herbosa na malaki ang pondo ng Philhealth dahil sa “underspending” nitong nakalipas na mga taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.