Intelligence group kontra droga, krimen, sugal at kurakot sa mga Brgy, ikinakasa na ng DILG

By Ruel Perez July 11, 2016 - 08:39 AM

crime-scene-e1400865926320Bubuo ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng intelligence group na gagamitin sa intelligence gathering ng administrasyong Duterte na pangunahing tututok sa droga, krimen, sugal at korapsyon sa mga baranggay.

Ayon kay Asst. Sec. Epimaco Densing, pinuno ng plans and programs ng DILG, tatawagin itong “Alsa Masa” na walang armas at bubuuin ng mga volunteers.

Ani Densing, sa sandaling mabuo na nila ang structure at guidelines sa pagbuo ng volunteers, agad nila itong ipadadala sa 42 libong barangay para tuluyan itong maiayos.

Nilinaw naman ni Densing na ang nasabing volunteer group ay hindi sasailalim sa pangangasiwa ng barangay dahil malaki ang posibilidad na magamit nila ito sa pulitika.

Ani Densing, dapat ang mga opisyal sana ng barangay ang unang dapat na makaalam at makatugon sa mga problema hinggil sa droga, sugal, krimen at iba pa pero ang malungkot umano ay hindi ito natutugunan kung kaya lumalala ang problema.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.