Mary Jane Veloso sasailalim sa 5-day quarantine sa kulungan

PHOTO: Mary Jane Veloso FOR STORY: Mary Jane Veloso sasailalim sa 5-day quarantine sa kulungan
Mary Jane Veloso —Larawan mula sa Veloso family

METRO MANILA, Philippines — Ididiretso sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City si Mary Jane Veloso pagbalik nito sa Pilipinas mula sa Indonesia.

Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang na kailangan sumailalim ni Veloso sa mandatory five-day quarantine at ito ang regular na ginagawa sa mga mga bagong preso.

Dagdag pa ni Catapang, hanggang 60 na araw naman maaring manatili sa Reception and Diagnostic Center si Veloso.

Ito aniya ay limang araw na quarantine at 55 na araw ng diagnostic evaluation, orientation at security classification bago siya ililipat sa pasilidad na inirekomenda ng RDC Initial Classification Board.

BASAHIN: Marcos umaasa clemency para kay Mary Jane Veloso sa Indonesia

Magkahiwalay din ng selda sina Veloso at ang itinurong recruiter nito na naging daan upang siya ay makapunta sa Indonesia.

Itinalaga si Catapang na pamunuan ang Oplan “Sundo-Nesia,” ang delegasyon na susundo sa Indonesia kay Veloso at maguuwi sa overseas Filipino worker sa Pilipinas.

Umalis kagabi ang delegasyon, na binubuo ng mga opisyal ng Bucor, National Bureau of Investigation, at Bureau of Immigration.

Read more...