Kumpiyansa si Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na walang magiging pagtaas sa kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth kahit walang alokasyon para sa subsidiya sa ahensiya mula sa gobyerno sa susunod na taon.
Ayon pa kay Ejercito, dapat ibaba ang halaga ng kontribusyon dahil sobra-sobra ang pondo ng PhilHealth dahil hindi nagagastos sa pangangailangan ng mga miyembro.
Dagdag pa ng may-akda ng Universal Health Care Act, naghain siya ng panukala na maibaba sa limang porsiyento hanggang 3.25 porsiyento ang buwanang kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth.
At kasabay nito, nais ni Ejercito na mas mapagbuti ang mga benepisyo ng mga miyembro.
Gayunpaman, aminado ang senador na nakababahala ang hindi paglalaan ng subsidiya sa PhilHealth.
Ang hakbang aniya ang pagbibigay leksiyon sa PhilHealth sa mas maayos na paggamit ng pondo.
Naniniwala rin si Ejercito na kailangan nang magbago ang pamunuan ng ahensiya.