Laguna gubernatorial bet idineklarang ‘nuisance candidate’
Kuwestiyonable raw ang motibo kaya idineklarang “nuisance candidate” ng Commission on Elections (Comelec) ang isang babaeng nag-asam na maging gobernador ng lalawigan ng Laguna.
Sa inilabas na desisyon ng Comelec 2nd Division, na may petsang Disyembre 11, sinabi na kadudaduda ang intensiyon ni Jemma “Rose” Villanueva Hernandez sa kanyang pagtakbo sa pagka-gobernador.
Pirmado nina 2nd Division Presiding Commissioner Marlon Casquejo at Commissioners Rey Bulay at Nelson Celis ang desisyon.
Nadiskubre na sa unang pagkandidato ni Hernandez sa lokal na eleksiyon ay ginamit nito ang pangalan na “Rose” sa halip na Jemma, ang kanyang talagang palayaw. Isa ito sa mga kinuwestiyon ng Comelec.
Si Laguna 2nd district Rep. Ruth Hernandez, na kandidato sa pagka-gobernador sa 20225 midterm elections, ang naghain ng petisyon laban kay Villanueva-Hernandez.
Sa kanyang petisyon, ikinatuwiran ng kongresista na nais lamang daw ni Villanueva-Hernandez na lituhin ang mga botante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.