METRO MANILA, Philippines — Hindi naniniwala si Sen. Cynthia Villar na magkakaroon ng P20 per kilogram ng bigas sa mga pamilihan na ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito aniya ay dahil sa desisyon ng gobyerno na tapyasan ang taripa sa mga inaangkat na bigas.
Idiniin ng senadora hindi siya pabor sa ginawang ito ng gobyerno dahil nabawasan ang suporta sa mga magsasaka na kinukuha mula sa Rice Tariffication Law.
Mula sa ipinatupad ng batas, paliwanag ni Villar, kinukuha ang pondo para sa mechanization program para sa mga magsasaka.
Sabi pa nito kung talagang seryoso ang gobyerno na maibaba ang presyo ng bigas, habulin at kasuhan ang mga rice smugglers at hoarders.
MOST READ
LATEST STORIES