Duterte admin dapat maghinay-hinay sa susunod na hakbang sa paglabas ng UN tribunal ruling- De Lima

By Jay Dones July 11, 2016 - 04:43 AM

 

Inquirer.net/AP

Hinihimok ni Senador Leila De Lima ang pamahalaan na masusing pag-aralan muna ang magiging desisyon ng UN Arbitral Tribunal bago pa ito magdesisyon sa susunod nitong magiging hakbang.

Ito ang reaksyon ni De Lima naunang pahayag kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ang bilateral talks sa China at magkaroon ng ‘sharing’ sa natural resources  sa loob ng exclusive economic zone ng bansa sa West Philippines Sea sa gitna ng inaasahang desisyon na ilalabas ng tribunal bukas, Martes.

Ayon kay De lima, positibo siyang pabor sa bansa ang magiging resulta ng desisyon kaya’t dapat na masusing pag-aralan ng Pilipinas ang magiging tugon nito sa desisyon.

Aniya, mababalewala ang lahat ng pinaghirapan ng pamahalaan kung basta na lamang papayag ang bansa na makihati ang China sa paggamit ng karagatan na napapaloob sa ating exclusive economic zone.

Si De Lima ang nagsilbing dating justice secretary at nanguna sa Office of the Solicitor General na kumatawan sa bansa sa Arbitral Court sa The Hague, Netherlands.

Dakong alas singko ng hapon bukas, ilalabas na ng tribunal ang desisyon sa nauna nang inihaing kaso ng Pilipinas kontra sa pang-aagaw ng teritoryo ng China sa malaking bahagi ng West Philippines Sea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.