Escudero: Mga senador, tikom-bibig dapat sa impeachment ni VP Duterte

Escudero: Mga senador, tikom-bibig dapat sa impeachment ni VP Duterte
Ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, hindi na dapat magsalita pa ang mga senador ukol sa inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte upang maiwasan na pagduduhan ng publiko na sila ay may kinikilingan. (Senate PRIB Photo)

Nanawagan si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa mga senador na huwag magbigay ng pahayag ukol sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ani Escudero, ito ay upang walang senador ang maakusahan na may kinilingan o may naging desisyon na ukol sa reklamo kapag binuo ang Senado bilang “impeachment court.”

Ito raw ay upang hindi rin pagdudahan ang integridad ng magiging paglilitis kung saan aaktong hukom ang mga senador.

Ipinaliwanag din ni Escudero na ang paghahain at pag-endorso ng impeachment complaint ay bahagi ng proseso na naaayon sa Saligang Batas at isang paraan upang mapanagot ang mga matataas na opisyal ng bansa.

Sinabi pa ni Escudero na kapag natuloy ang paglilitis kay Duterte, magdudulot ito nang pagkakahati-hati ng mga mamamayan.

Diin niya, hindi dapat hayaan ng mga senador na malihis ang kanilang atensiyon mula sa kanilang mga trabahong pang-lehislatura at kailangan pa rin nilang gumawa ng mga batas para matugunan ang pangangailangan ng sambayanan.

Read more...