Overprinting ng BIR stamp, iimbestigahan

 

Inquirer file photo

Iimbestigahan na ng gobyerno ang napaulat na sobra-sobrang pag-iimprenta ng mga tax seals ng Naitonal Printing Office. Ito’y matapos makarating sa gobyerno ang ulat mula sa Bureau of Internal Revenue kaugnay sa sobra-sobrang pag-iimprenta ng mga tax seals na nagagamit umano ng mga smugglers upang maipuslit sa bansa ang kanilang kalakal tulad ng sigarilyo at alak.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, kanya nang inatasan ang agarang audit ng National Printing Office at ang Apo Productions Inc. upang madetermina ang grupong nasa likod ng overprinting ng mga selyo ng BIR.

Sakali aniyang mapatunayang totoo, mananagot ang mga nasalikod ng nasabing anomalya.

Ang NPO at APO ang natokahang mag-imprenta ng lahat ng mga opisyal na dokumento ng pamahalaan.

Ang mga opisinang ito ay inilagay sa ilalim ng Presidential Communications Office o PCOO na pinamumunuan ni Andanar.

Read more...