METRO MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang National Economic Development Authority (Neda) na walang magiging epekto sa ekonomiya ng bansa ang sigalot sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Pangalawang Pangulo Sara Duterte.
Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na nakasentro pa rin ang atensyon ng Marcos administration sa mga target na nakapaloob sa Philippine Development Plan 2023-2028.
Base sa kasaysayan, hindi naaapektuhan ng mga matitinding isyung pulitikal ang ekonomiya ng bansa.
BASAHIN: NBI nag-iimbestiga sa ‘kill threat’ ni VP Duterte kay Marcos
Sinabi pa ni Balisacan na hanggang nasusunod ang mga plano at programang pang-ekonomiya ng gobyerno, mananatili ang kumpiyansa ng mga negosyante at mamumuhunan.
Dinagdag pa niya na, kung magkakaroon ng epekto sa ekonomiya ang kasalukuyang tensiyon sa pagitan nina Marcos at Duterte, halos hindi naman ito mararamdaman.