Isko Moreno, Chi Atienza sumaklolo sa Tondo fire victims

By Jan Escosio November 28, 2024 - 03:39 PM

PHOTO: Chi Atienza and Isko Moreno Domagoso STORY: Isko Moreno, Chi Atienza sumaklolo sa Tondo fire victims
Si Chi Atienza at Isko Moreno Domagoso. —Larawan mula sa Facebook ni Isko Moreno Domagoso

METRO MANILA, Philippines — Agad nagbigay tulong sina dating Manila Mayor Isko Moreno Domogoso at Chi Atienza sa mga biktima ng napakalaking sunog sa Isla Puting Bato sa Tondo, Manila noong nakaraang araw ng linggo.

Binigyan nina Domagoso at Atienza ng P5,000 ang bawat isa sa mga 2,014 pamilyang biktima ng sunog.

Labis-labis ang pasasalamat ng mga biktima kina Domagoso at Atienza, ang magka-tandem sa eleksiyon sa papalapit na eleksiyon sa susunod na taon.

BASAHIN: Tolentino namigay ayuda sa higit 7,000 na biktima ng Kristine sa Bicol

Nagsimula noong Linggo ng umaga ang sunog at mabilis na kumalat hanggang sa matupok ang 1,000 bahay.

Nagawa ng mga bumbero na makontrol ang pagkalat ng apoy pagsapit ng hapon sa tulong ng Philippjne Air Force (PAF).

Ang mga nawalan ng tirahan ay pansamantang nanunuluyan sa Delpan Evacuation Center.

TAGS: Chi Atienza, Isko Moreno Domagoso, manila fire, Chi Atienza, Isko Moreno Domagoso, manila fire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.