3 kaso ng pagpatay na may kinalaman sa droga, naitala sa Quezon at Batangas

By Jay Dones July 11, 2016 - 04:23 AM

 

Inquirer file photo/AP

Tatlong hinihinalang tulak ng droga ang napatay sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigan ng Quezon.

Sa Lucena City, napatay ang 40-anyos na si Rodrigo Polintan Jr., ng dalawang suspek matapos itong pasukin sa loob ng kanyang tahanan sa Bgy. 1, dakong ala-1:30 ng madaling-araw ng lingo.

Ayon sa live-in partner ng biktima, sapilitang kinaladkad palabas ng bahay ang biktima ng mga suspek bago binaril sa ulo.

Ilang mensahe sa cellphone ng biktima ang narekober ng mga otoridad na binabantaan ang biktima ng mga texter sa pagsasabing ‘asset’ umano ng mga otoridad si Polintan.

Sa bayan naman ng Tagkawayan Quezon, patay sa kamay ng lone gunman ang biktimang si Ronaldo Selga Jr., sa Bgy. Rizal, Linggo ng hapon.

Sinasabing tulak din ng shabu sa lugar si Selga.

Sa bayan ng Lipa City, sa Batangas, nasawi ang suspk na nakilala sa alyas ‘Kalbo’ makaraang manlaban sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Bgy. Anilao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.