Nangangamba ang isang transparency group sa posibilidad na samantalahin ng ilang grupo ang ipinaiiral na giyera laban sa kriminalidad at droga upang gantihan ang kanilang mga kalaban sa pulitika.
Ayon sa Filipino Alliance for Transparency and Emplowerment oi FATE, dapat maging matibay at solido ang mga ebidensyang hawak ng kampo ng pamahalaan laban sa mga itinuturong sangkot sa pagbibigay proteksyon sa sindikato ng droga upang hindi masabing politically-motivated ang rebelasyong ito.
Matatandaang kamakailan, ibinunyag sa publiko ni Pangulong Duterte ang pangalan ng limang aktibo at retiradong police generals na nagsisilbi umanong protektor ng droga sa bansa.
Gayunman, giit ng mga isinasangkot na heneral, at ng ilang kampo, isang uri ng ‘trial by publicity’ ang nangyayari.
Ayon kay Jo Perez, napakadaling mag-akusa sa mga panahong ito, kahit walang kaukulang ebidensya.