Lolo na pumatay sa kanyang misis, patay din sa mga pulis

By Jay Dones July 11, 2016 - 04:20 AM

 

crime-scene-e1400865926320Pinatay ng isang 68-anyos na lolo ang kanyang misis at tinangka ring patayin ang kanyang sariling apo bago ito napatay ng mga rumespondeng pulis sa Calamba, Laguna.

Kinilala ni Supt. Fernando Ortega, hepe ng Calamba police ang suspek na si Patricio Gonzales Sr., na suspek sa pagpatay sa kanyang misis na si Luisa, at tangkang pagpatay din sa kanyang apo na si Julius, 13-anyos na ginagamot sa ospital.

Sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lamang inundayan ng ‘karit’ ng suspek ang kanyang maybahay sa loob ng kanilang tahanan.

Hindi pa nakuntento, binalingan nito ang kanyang apo at inundayan din ng saksak.

Nagawa namang makatawag ng tulong mula sa mga otoridad ang anak ng suspek na agad na rumesponde sa krimen.

Gayunman, nang pasusukuin na ito, tinangka umano nitong sugurin ang mga pulis kaya’t nabaril ito haggang sa mapatay. Away mag-asawa umano ang dahilan ng pagwawala ng suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.