Resupply mission sa BRP Sierra Madre naikasa ng walang aberya – AFP
Ibinahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naisagawa ng walang aberya ang regular rotation and reprovisioning (RORE) mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal kahapon.
“There were no untoward incidents during the mission,” sabi ni AFP Public Affairs Office (PAO) chief, Col. Xerxes Trinidad.
Aniya umalalay sa misyon ang Philippine Coast Guard (PCG).
Wala nang ibinigay na karagdagang detalye si Trinidad hinggil sa naikasang “resupply mission.”
Tiniyak na lamang niya na patuloy na itinataguyod ng AFP ang mandato na pangalagaan ang sobereniya ng bansa at tiyakin ang maayos na kalagayan ng mga sundalong Filipino na nagbabantay sa West Philippine Sea (WPS).
Bago ang misyon kahapon, ang huling RORE mission sa BRP Sierra Madre ay noong Setyembre 26.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.