5 sugatan sa annual bull run sa Espanya

 

Lima katao ang nasugatan, dalawa sa mga ito nasa seryosong kondisyon sa ikaapat na araw ng ‘bull run’ sa pamplona spain ngayong taong ito.

Dalawa sa mga biktima ang nasuwag ng toro sa taunang San Fermin festival samantalang ang tatlo naming biktima at nagtamo ng mga head injuries dahil sa pag-iwas sa toro at stampede sa bull run.

Aabot sa isanlibong katao ang dumalo at nakilahok sa okasyon ngayong taon kung saan magpapahabol ang mga ito sa toro sa loob ng dalawa’t kalahating minuto na pakakawalan sa masisikip na iskinita ng Pamplona.

Noong Sabado, isang 29-anyos na bullfighter ang nasawi sa bullfight sa eastern Spain.

Noong nakaraang taon naman, nasa sampung katao ang nasuwag sa San Fermin festival noong nakaraang taon. Kabuuang 15 naman ang nasawi sa taunang bull run matapos masuwag ng toro simula noong 1924.

Read more...