5 sugatan sa annual bull run sa Espanya

By Jay Dones July 11, 2016 - 04:16 AM

 

Spain-Running-of-the-_Inte (1)Lima katao ang nasugatan, dalawa sa mga ito nasa seryosong kondisyon sa ikaapat na araw ng ‘bull run’ sa pamplona spain ngayong taong ito.

Dalawa sa mga biktima ang nasuwag ng toro sa taunang San Fermin festival samantalang ang tatlo naming biktima at nagtamo ng mga head injuries dahil sa pag-iwas sa toro at stampede sa bull run.

Aabot sa isanlibong katao ang dumalo at nakilahok sa okasyon ngayong taon kung saan magpapahabol ang mga ito sa toro sa loob ng dalawa’t kalahating minuto na pakakawalan sa masisikip na iskinita ng Pamplona.

Noong Sabado, isang 29-anyos na bullfighter ang nasawi sa bullfight sa eastern Spain.

Noong nakaraang taon naman, nasa sampung katao ang nasuwag sa San Fermin festival noong nakaraang taon. Kabuuang 15 naman ang nasawi sa taunang bull run matapos masuwag ng toro simula noong 1924.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.