Bagyong Pepito lumakas, Signal No. 2 itinaas sa ilang lugar sa Visayas

Ang satellite image ng bagyong Papito na lumalapit sa Eastern Samar. (PAGASA Photo)

Lumalakas ang bagyong Pepito habang papalapit sa kalupaan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa Tropical Cyclone Bulletin No. 3 na inilabas alas-11 ngayon umaga, huling namataan ang sentro ng bagyo sa distansiyang 630 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar. Taglay nito ang lakas ng hangin na 130 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 160 kilometro kada oras. Nararamdaman ang lakas ng hangin na dala ng bagyo hanggang 380 kilometro mula sa gitna. Bunga nito, itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa ilang bayan sa Northern Samar at Eastern Samar. Samantala, Signal No. 1 naman sa katimugang bahagi ng Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate. Gayundin sa natitirang bahagi ng Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Biliran.

Read more...