San Juan City Mayor Francis Zamora todo-pasalamat sa Palasyo sa 4PH

By Jan Escosio November 15, 2024 - 05:41 PM

High rise public housing buildings ang itatayo sa San Juan City, ayon kay Mayor Francis Zamora, sa pamamagitan ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD). (San Juan City PIO Photo)

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jerry Acuzar sa suporta sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) sa kanilang lungsod.

Sinabi ni Zamora na katuparan ito ng kanyang pangarap na mabigyan ng maayos at disenteng  bahay ang kanilang mga kalungsod nang hindi sila mapapalayo sa kanilang mga trabaho, gayundin ang pag-aaral ng mga estudyante.

“Karamihan po sa ating mga mamamayan ay umuupa lamang at walang sariling tahanan. Sa pamamagitan ng 4PH ay magkakaroon po sila ng tahanan na masasabing pag-aari nila,” sambit ni Zamora.

Paliwanag lamang ng alkalde na huhulugan ng mga benepisaryo ang bahay hanggang sa maging sarili na nila ito.

Sinabi pa niya dahil sa limitado lamang ang mga bakanteng lote sa lungsod, high rise public housing buildings ang kanilang ipapatayo sa pamamagitan ng naturang housing program.

TAGS: Francis Zamora, Francis Zamora

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.