AWOL na pulis-QC, patay sa ‘Oplan TukHang’

By Jong Manlapaz July 11, 2016 - 04:32 AM

 

Kuha ni Topher Diocado

Patay ang isang AWOL na miyembro ng Quezon City Police District  sa ikinasang  ‘Oplan TukHang’ ng QCPD station 3 sa Jordan Village,  Baesa QC kagabi.

Ayon kay P03 Marvin Masangcay ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), matapos na katukin ng mga  pulis ang bahay ni P02 Ariel Arnais 50yrs old, agad itong kumuha ng baril at nakipagbarilan sa kapwa pulis.

Makaraang humupa ang putukan, nakahandusay na sa loob ng bahay si P02 Arnais at wala ng buhay.

Nakuha naman sa crime scene ang isang caliber 32 at dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Kinumpirma naman ng asawa ng suspek na isa ring pulis na naka-assign sa Caloocan na si SPO2 Jessie Flor Arnais na aktibong pulis-QC ang kanyang asawa.

Ayon kay P03 Masangcay nasa watchlist ng QCPD station 3 ang namatay na suspek, na pinaghihinalaang tulak ng bawal na gamot.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.