PH gov’t, hindi ICC dapat sumilip sa ‘drug war reward system’
METRO MANILA, Philippines — Ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at hind ang International Criminal Court (ICC) ang dapat na mag-imbestiga sa nabunyag na “monetary reward system” ng kampaniya kontra droga ng administrasyong Duterte.
Ito ang pahayag ni Solicitor General Menardo Guevarra nitong Lunes.
Sabi pa ni Guevarra na makakabuti kung ang mga nakalap na ebidensiya sa pagdinig ng House quad committee ay maibabahagi sa mga ahensiya para pormal na maimbestigahan.
Ang “reward system” ay ibinahagi ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma sa huling pagdinig ng komite noong Biyernes.
BASAHIN: Kerwin Espinosa itinuro si dela Rosa na nagdiin kay de Lima
Si Garma ay naging hepe ng isa sa mga presinto ng Davao City Police bago ito naitalaga ni noon Pangulong Rodrigo Duterte sa PCSO.
Aniya ang cash reward system sa mga pulis na sangkot sa anti-drug campaign ay base sa “Davao City model” at ito ay depende kung namatay ang suspek, pagpopondo sa operasyon, at pagbabalik ng nagastos ng mga pulis sa operasyon.
Sinabi ni Guevarra na ang mga ebidensiya ay maaring ibahagi sa Department of Justice, National Bureau of Investigation, o sa Office of the Ombudsman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.