Sen. Bong Revilla namigay ng ayuda sa Aklan at Antique
METRO MANILA, Philippines — Nakipagpulong si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., sa mga lokal na opisyal sa Western Visayas kamakailan.
Unang binisita ng senador ang Kalibo sa Aklan kung saan hinarap niya si Mayor Juris Suco at 2,000 residente ng bayan.
Kasunod ay nagtungo siya sa bayan ng Ibajay at sinalubong siya nina Aklan Gov. Joem Miraflores, dating Gov. Florencio Miraflores, at Ibajay Mayor Miguel Miraflores.
BASAHIN: Revilla: AI gagamitin lang panglathalà ng fake news sa eleksyón
Matapos ay nagtungo na siya sa Antique at nakipagkita sa kanyang 2,000 tagasuporta sa University of Antique, kung saan naman siya nakipagpulong din kay Antique Rep. AA Legarda.
Sa mga nabanggit na lugar ay nagbigay ng P2,000 na tulong sa bawat benipisyaryo si Revilla katuwang ang mga lokal na opisyal.
Nangako pa sa kanila si Revilla nang patuloy na pagbibigay tulong at suporta sa kanilang mga pangangailangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.