Vico Sotto inalok ng kalaban ng election ‘peace covenant’
METRO MANILA, Philippines — Hindi pinatulan ni Pasig City mayoralty aspirant Sarah Discaya ang mga patutsada ni Mayor Vico Sotto sa kanyang pamilya.
Sa halip inalok ni Discaya si Sotto ng “peace covenant” upang walang mangyaring siraan sa kanilang pangangampaniya hanggang sa sumapit ang eleksyon sa Mayo 2025.
Ipinarating ngayong Biyernes ni Discaya kay Sotto ang alok sa pamamagitan ng isang sulat.
BASAHIN: San Juan Mayor Francis Zamora target 15-0 sa 2025 elections
Nakasaad sa sulat na sa panliligaw nila sa mga botante ni Sotto, dapat aniya ay bigyan nila ng katiyakan ang kanilang mga kalungsod na magiging payapa, maayos, at malinis ang gagawin nilang pangangampaniya.
Dagdag pa ni Discaya, ang mga paninira tulad ng ginawa sa kanyang pamilya ay maaring magdulot lamang ng kalituhan sa mga botante sabay diin na ito ay isang uri ng pagpapakalat ng maling impormasyon.
Nais nito na kapwa sila mangangako ni Sotto na irerespeto nila ang isat-isa, walang personal na paninira at pang-iinsulto.
Gusto din ni Discaya na walang mangyayaring vote-buying, harassment at hindi din dapat gumamit ng pondo ng gobyerno sa pangangampaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.