Presyo ng kuryente ng Meralco bababa ngayong Oktubre
METRO MANILA, Philippines — Matatapyasan ng 35 centavos ang presyo ng kuryente sa mga kustomer ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Oktubre.
Ang mababawas sa presyo ay dahil sa pagbaba sa generation at transmission charges.
Bunga nito, ang overall rate ngayon buwan ay P11.4295 per kilowatt-hour.
Ang mga may average consumption na 200kwh kada buwan ay makakatipid ng P72. Samantala, P108 naman ang mababawas sa bayarin sa Meralco na may 300 kwh na konsumo at P143 naman sa nakakakonsumo ng 400 kwh at P179 naman sa may buwanang konsumo na 500 kwh.
Noong nakaarang Setyembre, tumaas ng P0.1543 per kilowatt-hour ang halaga ng kuryente ng Meralco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.