Anti-political dynasty bill malabong makalusot – Escudero
METRO MANILA, Philippines — Binigyan lamang ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ng napakaliit na tsansa na makakapasa sa Kongreso ang isang anti-political dynasty bill.
Wala pa sa mga panukala ang may malinaw na kahulugan ng “political dynasty,” ayon kay Escudero.
Aniya maging sa Kamara ay wala pang naghain ng panukalang magbabawal sa mga magkaka-pamilya o magkakamag-anak na sabay-sabay na lumahok sa halalan at kumandidato sa ibat-ibang posisyon.
BASAHIN: Sen. Nancy Binay vs bayaw sa Makati City top post
Payo niya sa mga nagbabalak na maghain ng panukala na ilatag ang malinaw na formula dahil aniya ang anti-dynasty ay nabanggit lamang sa Saligang Batas.
Inamin niya na itinuturing niyang produkto siya ng poltical dynasty dahil minana lamang niya ang pagiging mambabatas sa Kamara mula sa kanyang ama.
Iginiit na lamang niya na tanging siya lamang sa kanilang pamilya ang naging senador.
Ngunit sinabi na agad ni Escudero na papaboran niya ang anti-political dynasty bill.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.