Taas-presyo ng produktong petrolyo sasalubong sa Oktubre
METRO MANILA, Philippines — Unang araw ng Oktubre nitong Martes at muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa magkakahiwalay na abiso ng mga kompaniya ng langis, 45 sentimos ang itataas ng halaga ng kada litro ng gasolina, 90 sentimos naman sa krudo, at 30 sentimos sa gaas.
Ang pagtaas ng mga presyo ay bunga ng hindi tiyak na suplay ng langis bunga ng paglala ng sitwasyon sa Middle East, paghina ng pangangailangan sa Europa, at ang kondisyon ng imbentaryong langis sa Estados Unidos.
BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito
Noong nakaraang Martes, ika-24 ng Setyembre 24, umangat na ang presyo ng gasolina ng P1.20, 20 sentimos sa krudo, samantalang nanatili lamang ang halaga ng gaas.
Sa pagpasok ng 2024 hanggang noong nakaraang Linggo, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P5.85 kada litro at P1.95 sa diesel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.