Dagdag presyo sa gasolina, krudo bukas, ika-24 ng Setyembre
METRO MANILA, Philippines — Makalipas ang magkasunod na linggo nang pagbaba sa presyo, madadagdagan naman bukas, ika-24 ng Setyembre, ang halaga ng mga produktong petrolyo.
Tataas ng P1.10 ang presyo ng kada litro ng gasolina at 20 sentimos naman ang krudo o diesel.
Hindi naman gagalaw ang presyo ng kerosene o gaas.
BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito
Ayon sa ang paggalaw sa presyo sa mga produktong-petrolyo ngayong huling linggo ng Setyembre ay dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa Middle East at mga kaganapan sa Estados Unidos, Japan, at Malaysia.
Noong nakaraang Martes, bumaba ng P1 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P1.30 sa krudo at P1.65 naman sa gaas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.