28M PH passports bukas sa cyber criminals dahil sa data breach
METRO MANILA, Philippines — Dahil sa mga insidente na ng data breach, may 28 million na Phiippine passports ang delikadong magamit ng mga cyber criminals.
Ito ang inamin nitong Biyernes ni Foreign Affairs Assistant Secretary Adelio Cruz kay Sen. Loren Legarda, ang chairperson ng Senate finance sub-committee na duminig sa proposed 2025 budget ng kagawaran.
Sinabi ni Cruz na ibinahagi nila sa APO Production Unit, ang printing company ng gobyerno, ang mga insidente ngunit ipinasawalang bahala lamang ang mga ito.
BASAHIN: System data breach iniimbestigahan ng GSIS
Ayon kay Cruz, nababahala sila dahil ang kakulangan ng “cyber security measures” ng APO Production ay maaaring makompromiso ang detalye sa 28 million Philippine passports.
Sinabi din Cruz kay Legarda na hindi sila nasisiyahan sa trabaho ng APO.
Dagdag pa niya may mga pauna na silang pakikipag-usap sa cybersecurity experts para sa seguridad ng Philippine passport holders.
Nagbilin na rin si Legarda sa DFA na tiyakin na mga tunay na Filipino lamang ang nabibigyan nila ng pasaporte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.