Ilang bayan sa Bataan, binaha dahil sa pabugso bugsong buhos ng malakas na ulan

By Mariel Cruz July 10, 2016 - 11:16 AM

bataan_map_with_labelDahil sa pabugso-bugsong buhos ng malakas na ulan na dala ng bagyong Butchoy, binaha ang tatlong bayan sa probinsya ng Bataan.

Batay sa impormasyon mula sa Metro Bataan Development Authority (MBDA), aabot sa labing limang barangay sa mga bayan ng Hermosa, Orani, at Samal ang naapektuhan ng pagbaha na may lalim mula 8 hanggang 36 inches o 3 feet.

Bagaman pwede na aniyang daanan ng lahat ng uri ng sasakyan, baha pa rin ang ilang bahagi ng MacArthur highway.

Ayon naman kay Tess Senora, staff member ng Orani Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, umabot sa 6 feet ang taas ng baha sa mga barangay ng Mulawin at Tugatog matapos bumagsak ang isang puno sa ilog dahilan para maharangan ang agusan ng tubig.

Sinabi rin ni Senora na naihanda na nila ang mga evacuation center para sa mga mabibiktima ng pag-ulan at pagbaha at tiniyak din nila na sapat ang suplay ng pagkain.

Sa inilabas na weather advisory ng PAGASA kaninang alas singko ng madaling araw, apektado ng Hanging Habagat ang southwest ng Luzon, Palawan, at Mindoro.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.